May mga bagay sa buhay na kailangan mong mamili.
Pagsubok ba ito o Pagsuko ang hantong nito?
Pangarap ba o hanggang panaginip nalang ito?
Pagkawari ba o pagkukunwari lamang ito?

Minsan habang nakatingin ka sa kawalan. Milyon milyong salita ang tila naglalaro sa iyong isipan. Mga katanungan na hindi mo masasagot ng isang upuan lamang. Mga pangarap na nais mo na matupad agad agad sa sandaling iyon at di mo alam paano mo uumpisahan. Mga sitwayong gusto mo na tapusin ngunit pilit mo pa ding dinudugtungan. Hindi ka makatakas sa bulong ng iyong damdamin at isipan. Itutuloy mo pa ba? o tuluyan mo nalang kakalimutan? Halos maiyak kana sa pagpili sapagkat gusto mo na sumuko dahil ‘di mo na alam ang gagawin mo, sa kabilang banda ay handa mo pa ding ipaglaban ang dapat at tama. Mahina ang puso, ngunit ang isipan ay may angking talino upang isipin ang pinakamabuti. Alam mo ang tama at mali, ngunit ang puso ay nakiki-usap sa maaring mong maramdaman. Natatakot na baka mahirapan, umiyak at sumuko sa sitwasyon at di kayanin. Natatakot na baka magsisi at di makayanan ang hirap na maaring pagdaanan. Sa pakikipaglaban sa saloobin at kung ano ang kaya o dapat mong panindigan hanggang sa huli. Kakayanin mo ba? o sasayangin ang pagkakataong lumaban?

Isang paalala mula sa aking minamahal, dito nagtagpo at nagkasundo ang pusong lito at isip na nagmamatalino.

Proverbs 3:5-6 (NIV)

Trust in the Lord with all your heart
    and lean not on your own understanding;
in all your ways submit to him,
    and he will make your paths straight.[a]

 

 

 

Advertisements