Sa pagkakataong ganito, ilang beses na akong umiyak na ikaw lang ang nakakaalam. Sa buhay ko, ikaw yung laging nandiyan para ako ay damayan. Sa mga salita mo, puso ko ay naghihilom. Sa mga pangako mo, tiwala ko ay nasa iyo. Sa mga pagsubok na ito, ikaw ang pundasyon ng buhay ko.

Sa pagharap sa pagsubok ng buhay ko, pananalig ko sayo’y lalong tumitibay. Nadapa man ako noon, kamay ko ay hinawakan mo. Itinayo mo ako, kahit alam mong sumusuko na ako. Sa pagkatalo , Plano mo ang inaasahan ko. Sa pagbagsak tulong mula sayo ang natatanggap ko. Hanggang sa ngayon ikaw ang kasama ko. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa sakripisyong ginawa mo. Tuloy ang storya ng buhay ko. Buhay na inaalay ko para sayo. bawat laban ay para sa iyo. Maraming salamat sa walang hanggang pagmamahal mo.

Deuteronomy 31:6 (NIV)

Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the Lord your God goes with you; he will never leave you nor forsake you.”

Advertisements